NAGBABALA | PRRD, ibinunyag na may nilulutong ouster plot laban sa kanya

101

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko tungkol sa mga pwersang nais pabagsakin ang gobyerno.

Inihalintulad ito ng Pangulo gaya ng nangyari sa Russia na October Revolution noong 1917.

Ayon kay Pangulong Duterte, pinag-iingat niya ang publiko sa tatlong pwersa na gusto siyang patalsikin sa pwesto.

Ito ay kinabibilangan ni Senator Antonio Trillanes IV, Yellows o Liberal Party, maging ang komunistang grupo.

Aniya, ang tatlong pwersa ay may koneksyon sa isa’t-isa.

Niluluto ang destabilisasyon laban sa kanya sa Oktubre.

Facebook Comments