NAGBALAK | 20-anyos na kolehiyala – nagtangkang magpatiwakal sa Intramuros, Maynila

173

Manila, Philippines – Kasalukuyang ginagamot sa Amosup Seamen’s Hospital ang isang estudyanteng babae na sinasabing tumalon mula sa rooftop ng San Juan de Letran College sa Intramuros, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Beatriz Dianne Galit, 20-anyos at taga-San Andres Bukid, Maynila.

Nangyari ang insidente alas 12:30 kaninang tanghali.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung ano ang posibleng dahilan ng estudyante sa tangkang pagpapakamatay.

Facebook Comments