NAGBIGTI | Lalaking sawi sa pag-ibig, nagpatiwakal

Roxas, Capiz – Wala nang buhay nang matagpuan ang labi ng 24-anyos na lalaki matapos nagbigti sa puno sa Roxas, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Jacer Palangre residente ng Bayabas sa Poblacion Campo, President Roxas.

Dinala pa ang biktima ng kanyang pamilya sa ospital pero idineklera ring dead on arrival ng doktor.


Batay sa imbestigasyon, problema sa pag-ibig ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima matapos itong iwan ng kanyang kasintahan.

Facebook Comments