NAGBITIW | Hukom na may hawak sa kaso ni Sen. De Lima sa Muntinlupa RTC, nag-inhibit!

Nagbitiw na sa paghawak ng kaso ni Senadora Leila De Lima si Muntinlupa RTC Branch 206 Judge Lorna Navarro.

Ang kaso ay may kaugnayan sa pagkalat ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong si De Lima pa ang namumuno sa DOJ.

Sa pagdinig kanina, sinabi ni Atty. Boni Tacardon legal counsel ni De Lima na kinatigan ang hirit nilang motion for inhibition ni Judge dahil umano sa pagiging bias nito.


Kasunod nito nagpapasalamat naman ang kampo ni De lima kay Judge Navarro dahil sa kanyang voluntary inhibition

Kaugnay nito muling ira-raffle ang kaso upang mabatid kung sinong hukom ang panibagong hahawak sa kaso ni De Lima.

Facebook Comments