NAGBUKAS | 100,000 Passport appointment slots, binuksan ng DFA

106

Manila, Philippines – Nagbukas ng 100,000 slots para sa passport appointment system ang Department of Foreign Affairs

Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, 50,000 slots dito ay inilaan simula kaninang tanghali habang ang nalalabing 50,000 ay para mamayang alas 9 ng gabi

Ito ay kasabay ng paglulunsad ngayong araw ng ahensya ng ePayment scheme para sa mga magre-renew at mag-aapply ng kanilang passport

Ang DFA ePayment portal ay bahagi ng online appointment system na nagbibigay kakayahan sa mga aplikanteng bayaran ang passport processing fees sa mga piling payment centers sa buong bansa

Samantala,10,000 passport appointment slots din ang bubuksan simula Lunes hanggang Sabado maliban na lamang tuwing holiday

Ang hakbang ng ahensya ay bilang tugon sa pagtaas ng demand sa passport application kasunod narin ng pagpapalawig sa 10 taon ang validity period nito

Facebook Comments