NAGHAHANDA | Milan Melindo, kinuhang sparring partner si World Boxing Champion Donnie Nietes

65

Manila, Philippines – Kinuha ni Milan Melindo bilang sparring partner si World Boxing Champion Donnie Nietes.

Ayon sa ALA Boxing Promotion, malaking tulong ang IBF Flyweight Champion para sa laban ni Melindo kay Ryoichi Taguchi sa Disyembre 31.

Kilala kasing matibay ang stamina ni Taguchi na isang WBA Junior Flyweight Champion kaya’t bukod kay Nietes ay kinuha rin ng kampo ni Melindo bilang sparring mate si Lorenz Lagada.

Itinuturing itong isang mahalagang laban ni Melindo dahil may tsansa ito na maging kauna-unahang Unified Junior Flyweight Champion ng Pilipinas.

Facebook Comments