NAGHAHANDA NA | Christian Standhardinger, simula na sa ensayo para sa 2018 Asian Games

14

Manila, Philippines – Ilang araw matapos ang finals ng 2018 PBA Commissioner’s Cup, sumabak na sa practice si San Miguel Beermen player Christian Standhardinger, bilang paghahanda sa 2018 Asian Games na gaganapin sa Indonesia ngayong buwan.

Dahil sa championship series ng Beermen kontra Barangay Ginebra, ilang practice rin ang hindi nadaluhan ni Standhardinger.

Pamumunuan ni coach Yeng Guiao ang team ng Pilipinas para sa nalalapit na Asian Games.

Ilan pa sa mga player na lalahok sa Asian Games ay sila Chris Tiu, Maverick Ahanmisi, Beau Belga, James Yap, Poi Erram, Stanley pringle, Gabe Norwood, Paul Lee, Raymond Almazan at Asi Taulava.

Magsisimula ang Asian Games sa August 14 at tatagal hanggang September 1 sa Jakarta, Indonesia.

Facebook Comments