NAGING EMOSYONAL | Sandra Cam, iginagalang ang pagtatanggol ng Pangulo kay PCSO GM Balutan

42

Manila, Philippines – Tiniyak ni PCSO Dir. Sandra Cam na nirerespeto niya ang pagtatanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte kay PCSO GM Alexander Balutan kaugnay sa magarbong Christmas Party ng PCSO.

Sa pagdinig ng Kamara, iginiit ni Cam na ang suporta ng Presidente kay Balutan ay hindi hadlang para maipagpatuloy niya ang pagiging fizcalizer o kritiko ng ahensya.

Aniya, diretso pa rin siya sa pagpuna ng mga mali sa PCSO at sa kanyang tungkulin bilang PCSO Director.

Sa katunayan aniya ay naglilibot siya sa mga ospital at dito ay nakikita niya ang tunay na sitwasyon ng mga mahihirap.

Hindi naman napigilan ni Cam na naging emosyunal sa pagdinig dahil hindi niya maatim ang pagiging gahaman ng ilan sa kabila ng marami ang nangangailangan.

Facebook Comments