NAGKAGULO | 2, patay matapos ang stampede sa nangyaring funeral procession sa India

192

India – Patay ang dalawang tao matapos ang nangyaring stampede sa funeral procession ng beteranong Indian politician na si Muthuvel Karunanidhi.

Hindi bababa sa 40 ang nasugatan sa insidente na itinakbo agad sa pagamutan.

Naganap ang stampede nang magpumilit ang mga nakiramay na makalapit sa labi Karunanidhi habang ito ay dinadala sa Marina Beach Chennia.

Ang 94-anyos na si Karunanidhi ay nagsilbi bilang chief minister ng Tamil Nadu.

Facebook Comments