NAGKAPIKUNAN? | Lalaki, patay matapos saksakin ng kaniyang ka-trabaho sa Maynila

19

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos na tadtarin ng saksak ng kanyang kasamahan sa trabaho sa Sta.Cruz, Maynila.

Sa ulat, dead on the spot ang biktimang si alyas ‘Arnel’ habang naaresto naman ang suspek na si Elmer Cuervo, na kapwa stay-in sa RCC Garage sa Barangay 369 Zone 37, District 7.

Sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek sa hindi pa malamang dahilan kung saan nauwi sa pananaksak ang insidente.

Tinangka pa ng suspek na tumakas pero nakorner din ito ng mga otoridad at narekober sa kaniya ang kutsilyo na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Facebook Comments