NAGKASAGUTAN | Atty. Lorenzo Gadon at dating CHR chairperson Etta Rosales, nagkainitan

733

Manila, Philippines – Nagkainitan sa isang forum sa Maynila sina Atty. Larry Gadon at dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales sa gitna ng issue ng impeachment kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay matapos sabihin ni Gadon na sa tulong ng supermajority sa kamara ay uusad ang inihain niyang impeachment complaint laban kay Sereno.

Dito sumagot si Rosales dahilan para magtaas ng boses ang abugado at tinawag pang “komunista” ang dating CHR chairperson.

Bagaman dinala ng moderator sa ibang paksa ang usapin lalo namang uminit ang ulo ni Rosales.

May ilan pang nakaabang na tanong pero agad tinapos ang forum dahil sa tensiyon.

Facebook Comments