NAGKITA NA | US President Donald Trump at Queen Elizabeth ng Britanya, nagkaharap na

51

Nagharap na ng personal sa kauna-unahang pagkakataon sina U.S President Donald Trump at Queen Elizabeth II sa Windsor Castle sa U.K.

Si Trump kasama si first lady Melania ay sinalubong ng mga opisyal ng nasabing bansa bago nakaharap si Queen Elizabeth sa nasabing makasaysayang pagbisita sa Britanya.

Nauna dito ay itinanggi ni Trump na binatikos niya si Prime Minister Theresa may kaugnay sa isang usaping nakapaloob sa business relation ng dalawang bansa.

Ayon kay Trump, “fake news” ang lumabas na report sa media kasabay ng paghingi ng paumanhin sa British premier.

Facebook Comments