NAGKUSA | Ilang mga taga-suporta ng NPA sa Ifugao, sumuko sa militar

Ifugao – Sumuko sa militar sa Ifugao ang ilang mga tagasuporta ng New People’s Army (NPA) dahil sa pinaigting na programa ng pamahalaan para sa kanila.

Karagdagang 17 kasapi ng militar ng bayan ang sumuko sa Tinoc Minicipal Hall Poblacion sa Tinoc, Ifugao makaraang magsagawa ang 54th Infantry Battalion Philippine Army ng kanilang enhanced comprehensive local integration program.

Nabatid na tumulong din ang mga local na opisyal ng Ifugao na mahikayat ang mga NPA maging ng kanilang taga-suporta na sumuko sa pamahalaan.


Umaasa naman ang mga sumuko na magkakaroon na sila ng maayos at tahimik na pamumuhay.

Facebook Comments