NAGLIYAB | Residential area sa Novaliches, Quezon City, nasunog

Manila, Philippines – Aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Novaliches, Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), aabot sa 50 bahay ang apektado ng sunog sa may bahagi ng Katipunan extension Kingspoints Subdivision sa Barangay Bagbag.

Inabot pa sa ikatlong alarma ang sunog bandang 4:30 ng hapon kung saan tuluyan naman itong na-kontrol makalipas ang dalawang oras.


Sa ngayon, patuloy na inaalam ang dahilan ng sunog maging ang kabuuang danyos nito.

Facebook Comments