NAGPAALALA | COMELEC, pinapayuhan ng mga kandidato sa Brgy. at SK eleksyon na maging sensitibo sa pangangampaniya

Manila, Philippines – Bagamat hindi ipinagbabawal ang pagsasagawa ng motorcade bilang paraan ng pangangampaniya, sinabi ngayon ni Director James Jimenez, taga pagsalita ng COMELEC na maging sensitibo sa mga paraan ng pagpapakilala ng sarili.

Ayon kay Jimenez, iwasan ang pagtatambol o pagpapatugtog ng malakas sa mga alanganing oras, kung saan tulog pa ang karamihan.

Maging sensitibo rin aniya sa pagsakop ng mga common poster area lalo’t lahat ng kandidato ay may karapatan dito.


Muli namang nagpaalala si Jimenez na sumunod sa mga patakarang kanilang itinakda, upang hindi ito maging grounds sa pagka disqualify ng mga kandidato

Facebook Comments