NAGPAALALA | Holiday pay rules, ipinaalala ng DOLE

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na sundin ang pay rules sa mga manggagawang papasok ngayong Undas.

Ayon sa DOLE, may dagdag na 30 porsiyento sa kanilang daily rate na sahod ang mga manggagawang papasok sa Nobyembre 1 at 2 na mga special non-working holiday.

Kapag nag-overtime pa ang manggagawa, may dagdag ulit na 30 porsiyento sa hourly rate nito.


Facebook Comments