Nagpakalat ng video ni Secretary Harry Roque, posibleng maharap sa kaso

243

Posibleng managot ang sinumang nagpakalat ng video ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kung saan kinastigo ng kalihim ang isang grupo ng mga doktor na kasama sa pulong ng IATF.

Ayon kay Roque, lumabag sa Data Privacy Act ang nagpakalat ng video dahil isiniwalat nito ang sekreto sa publiko.


Hindi naman masabi ni Roqque kung magsasampa rin siya ng kaso dito.

Sa ngayon, paliwanag ng kalihim na ipapaubaya na lamang ang magiging desisyon sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments