Nagpakilalang ‘Bikoy’, muling idiniin si Bong Go sa illegal drug trade

“May banta sa kanyang buhay”

Ito ang dahilan ng paglalantad ni Peter Joemel Advincula, na nagpakilalang si alyas ‘Bikoy’ at sumadya sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Ayon kay Advincula – nagtrabaho siya bilang control man ng radio base at CCTV operations sa isang drug syndicate sa Albay.


Siya rin raw ang nag-i-scan ng dragon tattoo code sa likod nina dating Davao Vice Mayor Paolo Duterte at dating Special Assistant to the President Bong Go.

Pinadadala aniya ang code sa financial controller ng sindikato na nakabase sa Hong Kong para ma-validate ang transaksiyon.

Dahil dito, muling naghubad si Go at ipinakita ang kanyang likod na walang tattoo.

Ayon kay Go, isa lang ang dahilan kung bakit nabuhay ulit ang Bikoy issue gayong isang linggo na lang ay eleksyon na.

Iniimbestigahan na rin ng PNP ang tunay na pagkakakilanlan ng nagpakilalang ‘alyas Bikoy’.

Facebook Comments