NAGPALIWANAG | Organizer ng Miss Earth, iginiit na matagal na nilang inaksyunan ang reklamong harassment ng ilang kandidata

46

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ngayon ng Miss Earth organizer na matagal na nilang ginawan ng aksyon ang naging rekamo ng ilang kandidata mula sa Canada, Guam at England ang alegasyon nilang nakaranas sila umano ng sexual harassment.

Ayon kay Lorraine Schuck – Vice President ng Carousel Productions, nakausap na niya noon pa ang mga kandidata matapos niyang marinig ang kanilang reklamo kung saan ang mga team managers na daw ang siyang gumawa ng hakbang.

Dahil din sa naturang insidente, agad nilang ipinull-out ang nasabing sponsor na unang pinangalan ni Miss Guam na si “Amado”.

Ikinagulat din ni Schuck kung bakit ngayon lang naglalabasan ang reklamo ng ilang kandidata gayung mag-iisang buwan na nangyari ang insidente.

Binigyang-diin din ng pamunuan ng Miss Earth na agad na nilang nai-ban sa kanilang team ang nasabing sponsor.

Facebook Comments