NAGPASARING? | Angelica Panganiban, level-up na ang pagka-bitter; Ellen Adarna, pasimpleng bumanat sa post nito

210

Manila, Philippines – Lume-level up na ang bitterness ng aktres na si Angelica Panganiban.
Ito ay matapos siyang maging cover ng isang libro na “Beau Ang’s – Para Kay Ex” kung saan ipinost niya ito sa instagram kasabay ng payo sa mga walang date ngayong Valentine’s Day.

Say ni Angelica, bumili na lamang ng nasabing libro kesa maglaro ng feelings na ginagawa lang din ng mga ex.

Hindi man direktang pinatatamaan pero marami ang nagsasabi na si John Lloyd Cruz ang punto ng mensahe nito.

Samantala, pasimpleng banat naman ang buwelta ni Ellen Adarna sa kaniyang IG post kung saan ini-upload nito ang ilang eksena sa movie na “Meet Joe Black”.

Sa video, nagtanong ang main actor na si Anthony Hopkins kay Brad Pit na “It’s hard to let go isn’t it?” Kaya marami ang nag-comment na para daw ito sa aktres na si Angelica na hindi pa rin daw maka-move on hanggang sa ngayon.

Facebook Comments