NAGPATUPAD | Reorganisasyon, ipinatupad sa ilang dibisyon ng Korte Suprema

31

Manila, Philippines – Nagpatupad ang Korte Suprema ng ilang pagbabago sa tatlong dibisyon nito kasunod ng pagreretiro ng ilang mahistrado.

Kabilang sa mga nagretiro sina dating Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro , at dating Associate Justice at ngayon ay Ombudsman Samuel Martires.

Itinalaga bilang acting chair ng 1st Division si Justice Lucas Bersamin habang nadagdag bilang miyembro si Justice Alexander Gesmundo.

Sa ikalawang dibisyon na pinamumunuan ni Senior Associate Justice at Acting Chief Justice Antonio Carpio isinama si Justice Jose Reyes Jr biLang kasapi.

Habang sa ikatlong dibisyon na pinamumunuan ni Justice Diosdado Peralta itinalaga bilang miyembro sina Justice Reyes at Justice Ramon Paul Hernando.

Si Justice Reyes ang pumalit kay retired Justice Presbitero Velasco noong Agosto habang Oktubre naman naitalaga si Justice Hernando kapalit ni Justice Martires.

Facebook Comments