NAGSABWATAN RAW | DOJ at OSG, kakasuhan dahil sa pagpabor kay Napoles

105

Manila, Philippines – Plano ngayon ng dating abogado ng whistleblower sa
Pork Barrel Scam na si Atty. Levi Baligod na maghain ng graft cases laban
sa Department of Justice at Office of The Solicitor General.

Kasunod ito ng paglalagay kay Pork Barrel Scam Queen Janet Lim-Napoles sa
provisional coverage ng Witness Protection Program (WPP).

Ayon kay Baligod – nagsabwatan ang DOJ at OSG sa pagbibigay ng pabor kay
Napoles.

May kinalaman ito aniya sa naunang aksyon ng Solicitor General kung saan
nirekomenda nitong ipawalang bisa ang kasong “serious illegal detention” na
isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy.

Tinukoy din ni Baligod ang pagbaligtad ng Court Of Appeals sa kasong
isinampa laban kay Napoles.

Iginiit ni Baligod na hindi kwalipikado sa WPP si Napoles kung
pagba-basehan ang Republic Act 6981 or Witness Protection, Security and
Benefit Act lalo’t direkta itong may kinalaman sa anumalya at hindi bilang
testigo lang.

www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments