NAGSALITA NA | PAGCOR, nagsalita na rin sa usapin ng lisensiya ng Land Resorts Philippines

71

Manila, Philippines – Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR hinggil sa usapin sa lisensya ng Landing Resorts Philippine Development Corporation (LRPDC) o ang kumpanyang ka transaksyon ng Nayong Pilipino Foundation Board of Directors na nauna naman nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paglilinaw ng PAGCOR ang provisional license na kanilang inisyu sa LRPDC ay kinakapalooban ng ilang mga kundisyon kung saan ang kumpanya ay dapat sumusunod sa lahat ng legal requirements at limitasyong inilatag ng pamahalaan kabilang ang pagkakaroon ng Valid Least of Contract ng dalawang Partido para maitayo ang Filipino Heritage Theme-Park Cum Integrated Resort-Casino.

Kaugnay nito ay iginiit din ng PAGCOR na bilang ahensya ng pamahalaan na pinangangasiwaan ng Office of the President ay patuloy ang kanilang gagawing suporta sa ano mang anunsyo ng pangulo patungkol sa gaming industry sa bansa.

Paliwanag ng PAGCOR bilang regulator ay tiniyak naman nito na lahat ng Gaming-Related Regulations ay masusunod, para matiyak na balanseng natutupad ang responsibilidad nito na kumita ng kailangang pondo para sa gobyerno at bantayan ang interes ng taumbayan.

Matatandaan na inamin ng Pangulong Duterte na ayaw nito ng sugal matapos nitong ipaliwanag ang ginawa nyang pagsibak sa Board of Directors ng Nayong Pilipino.

Facebook Comments