NAGSIMULA NA | P2P buses mula NAIA hanggang Muntinlupa at Laguna, umarangkada na

260

Bumabyahe na simula kahapon ang premium point to point (P2P) buses magmula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Alabang, Muntinlupa City at Santa Rosa, Laguna.

Ang P2P ay isang paraan para sa mga mananakay na magkaroon ng komportableng biyahe dahil maliban sa point to point lamang o magmula NAIA patungong Alabang, Muntinlupa City at Santa Rosa, Laguna ang hinto ng mga premium bus ay mayroon din itong malakas na aircon, WiFi connection, CCTV cameras, luggage racks at mayroon ding global positioning system technology o GPS ang bawat bus.

Kapansin-pansin din na mababa ang sahig ng bawat P2P Buses na mayroong wheelchair ramps para sa mabilis at easy access para sa persons with disability.

Nagkakahalaga naman ng P110 ang pamasahe mula NAIA Terminals 1 to 4 patungong Alabang Town Center at Ayala South Park, Muntinlupa habang P190 naman ang pamasahe mula NAIA terminals patungong Robinson’s Tagapo sa Santa Rosa, Laguna at Nuvali, Santa Rosa.

Facebook Comments