NAHANAP NA | Katawan ng binatilyong nalunod, naiahon ng PCG Batanes

123

Batanes – Matagumpay na naiahon ng mga personnel ng Coast Guard Station (CGS) Batanes ang wala ng buhay na katawan ng binatilyong nalunod sa bisinidad ng karagatan sakop ng Barangay Disbayangan, Mahatao, Batanes noong Lunes, June 11.

Base sa impormasyong nakalap ni PO3 John Bala PNP Basco, Batanes na iniulat naman ng Coast Guard Station na nagsagawa agad ng search and rescue operations.

Matagumpay na naiahon ang wala ng buhay na katawan ng biktimang si Louis Estamo, 16-anyos at residente ng Olongapo, Zambales.

Base sa imbestigasyon ng PNP napag alaman sa tiyuhin ng biktima na si Douglas Estamo, 51-anyos na nag-swimming umano ang pamangkin nito kasama si Rabin Estamo, 16-anyos na pinsan naman ng biktima.

Dahil sa malakas na alon napagawi sila sa malalim na bahagi ng dagat na naging dahilan ng pagkalunod ng biktima.
Ang bangkay ni Estamo ay inilipat na sa Basco General Hospital para sa proper disposition.

Facebook Comments