NAHIHIYA | Gretchen Barretto at mga kaibigan nito, itinigil na ang kanilang wish granting activity

94

Manila, Philippines – Itinigil na ni Gretchen Barretto at ang kanyang non-showbiz friends ang wish-granting activity nila via social media.

Ito ay matapos mag-viral at naging isyu ang video kung saan pinagtatawanan nila ang isang letter-sender noong nakaraang linggo.

Ayaw na raw kasi ni Gretchen na madamay ang kanyang mga kaibigang hindi naman taga-showbiz tulad nina Patty Pineda at Mimi Que.

Nahihiya din daw siya sa kanyang mga kaibigan at pamilya lalo na at nadadamay sila sa isyu.

Sa huli sinabi ni Gretchen, na responsibilidad daw niya ang mga kaibigang may pribadong buhay kaya at ayaw niya na nasasaktan ang mga ito lalo na sa mga walang kwentang pinagsasabi ng mga netizen.

Facebook Comments