NAHUKAY | Bilang ng mga labing narekober sa nangyaring landslide sa Mountain province, umabot na sa 16

Natonin – Umabot na sa 16 ang bilang ng mga nahukay na bangkay sa landslide area sa Natonin, Mountain Province.

Ayon kay Natonin Mayor Mateo Chiwayan – labing-isa sa mga nahukay ay tukoy na ang pagkakakilanlan.

Hindi pa kasama sa bilang ang mga nahukay nilang buto at iba’t ibang bahagi ng katawan.


Karamihan aniya sa mga labi ay nahukay malapit sa creek kung saan nakatutok ngayon ang 70 porsiyento ng retrieval operation.

Samantala, isolated pa rin ang siyam na barangay sa probinsya dahil sa nangyaring landslide sa tatlong gusali ng DPWH.

Facebook Comments