
All systems go na ang NAIA ngayong Undas 2026.
Ayon kay Retired Police Major General Gilberto Cruz, Administrator at Undersecretary ng Office for Transportation Security, para matiyak na ligtas ang biyahe ng ating mga kababayan, kinansela na nila ang leave ng kanilang mga tauhan na magbabantay sa mga paliparan.
Nais kasi nilang matiyak na walang mananamantala bago at pagkatapos ng Undas.
Samantala, sa isinagawang inspeksyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, tiwala itong handa na ang NAIA sa inaasahang pagdagsa ng mga commuter ngayong Undas.
Una nang sinabi ng New NAIA Infra Corporation na nasa 1.25 million ang inaasahan nilang gagamit sa naturang paliparan ngayong Undas.
Facebook Comments










