NAIPAMAHAGING NATIONAL ID SA PANGASINAN NOONG 2024, NASA HIGIT DALAWANG MILYON NA

Nasa higit dalawang milyon na National ID na sa lalawigan ng Pangasinan ang nai-deliver o naipamahagi ng Philippine Statistics Authority – Regional Statistical Services Offices 1 noong taong 2024.

Sa huling tala ng tanggapan noong December 31, 2024, nasa 2,109,343 ang kasalukuyang bilang ng mga nai-deliver na National ID cards sa lalawigan.

Nagpapatuloy naman ang mga isinasagawang PhilSys ID registration sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 2,713,239 ang bilang ng mga Pangasinense na nakapagparehistro na habang nasa 4,582,158 naman ang bilang ng mga rehistrado sa buong rehiyon uno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments