Naipamahaging relief sa Navotas, humigit kumulang 60K na!

29

Umabot na sa 59,164 ang naipamahagi na relief goods ng lokal na pamahalaan ng Navotas.

Ang tala ay mula nang magsimula ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon hanggang sa ikatlong linggo ng lockdown.


Sa kabilang banda ay marami pa ring mga residente ang hindi pa naaabutan ng tulong ng LGU.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Navotas na sinisikap nilang maiabot ang tulong sa mga residente.

Siniguro rin ang tuluy-tuloy na pagbabahay at pamimigay ng relief ng mga kawani ng Navotas sa bawat pamilya sa kanilang lugar.

Facebook Comments