
Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, napatunayan ngayon na mahusay at matatag ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Bingyang-diin ito ni Romualdez sa harap na naitalang 5.4% gross domestic product ng Pilipinas sa unang quarter ng 2025 na kapantay ng China at mas mataas kaysa sa Indonesia at Malaysia.
Ayon kay Romualdez, magbubunga ito ng mas maraming oportunidad para sa trabaho, mas matibay na suporta sa maliliit na negosyo, mas mataas na pampublikong pamumuhunan sa imprastraktura at agrikultura, at mas mahusay na serbisyo mula sa pamahalaan.
Dagdag pa ni Romualdez, ang paglago ng ekonomiya ay nagpapakita na ang performance ng bansa sa unang quarter ng taon ay nasa tamang landas upang maabot ng administrasyong Marcos ang mga target nito.