Naitalang bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa ngayong araw, nasa mahigit 2,000

115

Umakyat na sa 2,755,526 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas matapos madagdagan ng 2,565 ngayong araw.

Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 1,474 COVID-19 new cases dahilan para pumalo na sa 2,824,499 ang kumpirmadong kaso sa bansa.

Nasa 22,070 naman ang aktibong kaso ng nasabing sakit o katumbas ng 0.8% kung saan 58.1 percent dito ang mild, 4.1 percent ang asymptomatic, 5.3 percent ang critical, 12.5 percent ang severe at 20.02 percent ang moderate.


Sumipa na sa 46,903 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos madagdagan ng 205.

Facebook Comments