Naitalang investment pledges sa bansa, umabot sa higit P120 billion

Tumaas ng halos 156% o katumbas ng P121.9 billion ang naitalang investment pledges ng Bureau of Investments para sa unang dalawang buwan ng taong 2021.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, higit na mas mataas ito kumpara sa naitalng P47.625 million sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Dahil dito, mas hinikayat pa ni Lopez ang ilang businessman na magtayo ng kanilang negosyo sa bansa tulad ng paggawa ng e-vehicles, e-bike at bicycles, light industry, maging ang bag at textile manufacturing.


Facebook Comments