
Itinanggi ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang lumabas na isyu na tumataas ang krimen sa lungsod.
Ibinase ng Manila LGU ang rekord ng Manila Police District (MPD) na mababa ang insidente ng krimen kung ikukumpara sa populasyon na nasa dalawang milyon.
Sa datos ng MPD, nasa 78 ang reported crime incidents sa buong buwan ng February 2025 na naitala sa 14 na istasyon ng pulis.
Mas mababa ito sa halip na 101 na kaso noong February 2024 kung saan ang 78 na insidente ay bunsod na rin ng sunod-sunod na checkpoints at operasyon kaugnay na rin sa panahon ng eleksyon.
Kumpiyansa naman ang Manila LGU na mas bababa pa ang krimen sa lungsod hanggang Hunyo dahil sa pinaigting na police at barangay patrol visibility.
Facebook Comments