NAIUWI NA | Labi ng Pinay na biktima ng lindol sa Taiwan, dumating na sa bansa

26

Manila, Philippines – Dumating na sa NAIA ang bangkay ng filipina na namatay sa magnitude 6.4 na lindol sa Taiwan kamakailan.

Ang bangkay ng OFW ay dumating sa NAIA sakay ng China Air flight 701 kaninang 9:40 ng umaga.

Ang bangkay ay pansamantala munang inilagak sa storage sa pair-pag cargo hanggang bukas 8:30 ng umaga para sa flight papunta ng Tuguegarao.

Matatandaan na nakuha ang katawan ng caregiver na si Melody Castro sa loob ng apartment ng pinagtratrabahuhan niya 2 araw matapos ang magnitude 6.4 na lindol.

Halos 6 taon nang natatrabaho bilang kasambahay at caregiver sa Taiwan si Castro.

Hindi nakaligtas sa lindol sa Taiwan si Castro matapos itong madaganan ng malaking kabinet matapos ang magnitude 6.4 na lindol.

Bukod kay Castro, wala ng iba pang Pilipino ang naitalang nasaktan dahil sa lindol sa Taiwan.

Facebook Comments