NAIWANG MGA BASURA | Sikat na diving site at sandbar sa Cebu, pansamantalang isasara ngayong araw

38

Cebu – Pansamantalang isasara ngayong araw hanggang sa Abril 16 sa mga turista ang kilalang diving site at sandbar sa Oslob, Cebu.

Ayon kay Oslob Mayor Jose Tumulak Jr, mga naiwang samu’t saring basura na naiwan noong Holy Week ang dahilan para pansamantalang isara ang lugar.

Sabi pa ni Tumulak na pagbabawalan rin muna nila na magkaroon ng byahe ang mga bangka sa isla para matiyak na walang turistang makakalusot.

Aniya, papabantayan rin nila ang isla sa mga pulis.

Bagaman aminadong maapaketuhan ang kita ng isla, giit ng alkalde na mahalaga ito para mapangalagaan ang kanilang lugar.

Facebook Comments