NAKA-ALERTO | Police Regional Office 6, naghahanda sa posibilidad na pag-atake ng NPA sa Dinagyang Festival

60

Iloilo – Pinaghahandaan ng Police Regional Office 6 ang posibilidad ng pag-atake ng New People’s Army o NPA sa ika-50 taon ng pagdiriwang ng Dinagyang Festival sa lungsod ng Iloilo.

Sinabi ni PRO-6 Spokesman Supt. Gilbert Gorero, hindi nila inaalis ang ganitong posibilidad kung kaya’t naka-alerto ang lahat ng mga pulis sa rehiyon 6.

Binigyang diin nito na hindi mahuhulaan ang takbo ng utak ng mga rebelde upang mapigilan ang anumang plano ng mga NPA sa Dinagyang Festival, araw-araw na nagsasagawa ng threat monitoring ang PRO-6 kasama ang Philippine Army.

Sa pinakahuling monitoring ng mga pulis, ligtas sa anumang banta ng terorismo ang lungsod ng Iloilo.

Ngayong araw nakatakda ang opening salvo ng Dinagyang 2018 at ang highlight ay sa darating na Enero 27 at 28.

Facebook Comments