NAKA-SOLVENT | Menor de edad na binatilyo, arestado matapos umano manghalay ng kapwa batang hamog

Manila, Philippines – Arestado ang isang menor de edad na binatilyo matapos
halayin ang kapwa batang hamog na kinse anyos na dalagita.

Batay sa sumbong na nakarating sa QCPD Station 12 women’s & children
complaint desk, isinakatuparan ang panghahalay sa biktima sa halamanang
bahagi ng center island sa ilalim ng flyover ng EDSA, Ortigas.

Sa salaysay ng biktima, nagpasama siya sa suspek para hanapin sana ang
kanyang ate pero bigla na lamang umano siyang hinila ng suspek sa lugar
saka pinagsamantalahan.


Matapos ang krimen, agad nagsumbong ang biktima sa nakitang pulis na
naka-duty sa lugar kaya mabilis na nahuli ang suspek.

Aminado naman ang suspek na naka-solvent ito kaya nagawa ang krimen.

Sa ngayon nasa dswd na ang suspek habang isinasailalim sa medico legal ang
biktima.

Facebook Comments