Nakadidismayang performance ng China Telecom dahilan ng pagbagsak ng China Mobile stocks

94

Dismayado umano sa performance ng China Telecom, inabandona ng mga investor ang hanggang 756 million yuan o tinatayang $121 million na halaga ng shares sa China Mobile, na isang bagong rekord.

Nabatid ito sa A-share IPO results na inilabas ng China Telecom, na may 40 percent stake sa Dito Telecommunity Corp., ang third telco player sa Pilipinas, noong Dec. 28. Ang kompanya na na-delist sa United States ay nag-aalok ng A-share price na mas mababa sa  issue price.

Sa public notice ng China Mobile (00941.HK) ay lumabas na ang bilang ng unpaid A shares online trade ay mahigit sa 12.91 million, na katumbas ng 743 million yuan (tinatayang $119 million) na halaga ng shares, habang ang bilang ng unpaid offline trade ay mahigit sa 220,000 shares, na katumbas ng 12.7 million yuan (tinatayang $2.03 million).


May kabuuan itong 756 million yuan (tinatayang $121 million), na mas mataas sa  653 million yuan o tinatayang $100 million na naunang iniulat mula sa China Postal Savings Bank Co., Ltd. (601658.SH) noong Dec. 2019, kaya isa itong bagong rekord.

Ang China Mobile, China Telecom (00728.HK), at China Unicom (00762.HK) ang  top three telecom operators ng China na pinatanggal sa New York Stock Exchange (NYSE) ni noo’y U.S. President Donald Trump via Executive Order 13959 na kanyang inisyu noong Nov. 12, 2020.

Alinsunod sa executive order, ang Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng U.S. Department of the Treasury ay nag-isyu ng liham sa NYSE noong Jan. 5, 2021, na nagbibigay-linaw na matapos ang 9:30 a.m. Eastern Standard Time sa Jan. 11, 2021, ang mga mamamayan sa U.S. ay hindi na maaaring magkaroon ng stock transactions sa naturang mga kompanya.



Noong Jan. 6, 2021 ay ipinatupad ng NYSE ang delisting procedure para sa tatlong telecom operators. Pagkalipas ng  dalawang linggo ay nagsumite ang China Mobile ng written request sa NYSE para sa reconsideration.

Gayunman ay ibinasura ng NYSE ang apela para sa  reconsideration ng China Mobile noong May 6, 2021.

Facebook Comments