NAKAGAPOS | Nawawalang 6-anyos na batang babae, patay na nang matagpuan

Davao City – Nakitang patay at nakagapos pa ang isang 6-anyos na batang babae sa isang damuhan sa Matina Pangi, Davao City kahapon ng umaga.

Positibong kinilala ng mga magulang ng batang biktimang si alyas Jane na ito ang anak nilang na-missing noong Setyembre 17 nitong taon.

Samantala sa interview ng DXDC RMN Davao sa suspek ng krimen na si Rico Jay Labao, 27-anyos at kapitbahay lang ng biktima, inamin niya na siya ang pumatay at inako ang paggapos sa leeg at paa ng bata gamit ang electrical wire.


Sa ngayon, nakakulong na ang suspek samantala nakatakdang ipasailalim sa autopsiya ang biktima na posibleng i-cre-cremate na lang ayon sa mga magulang nito dahil hindi na maitsura ang 6-anyos matapos ang ginawa sa kanya na karumal-dumal na krimen.

Facebook Comments