NAKALIMUTAN | Jerwin Ancajas, naiwan ang kaniyang IBF belt sa pagbiyahe nito sa Los Angeles

51

Humingi ng paumanhin si Jerwin Ancajas matapos makalimutang dalhin ang kaniyang International Boxing Federation (IBF) Super-Flyweight Crown sa biyahe niya sa Los Angeles.

Ayon sa trainer ni Ancajas na si Joven Jimenez, nag-aaply sila ng visa papunta ng Italy at sa sobrang pagmamadali nila ay nakaligtaan na nilang dalhin ang nasabing belt.

Naiwan din nila ang boxing shorts at cap na gagamitin ni Ancajas para sa laban nito kontra Jonas Sultan na gaganapin sa May 26 sa Fresno, California.
Tiniyak naman ng kampo ni Ancajas na dadalhin ng iba nilang kasamahan ang mga naiwang gamit sa kanilang magiging biyahe sa susunod na linggo.

Facebook Comments