NAKARATING NA | 6 na pambato ng PH sa Youth Olympic Games nasa Buenos Aires na

Argentina – Nakarating na sa Athletes Village ang anim sa pitong pambato ng Pilipinas sa 2018 Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina.

Kahit pagod sa halos dalawang araw na biyahe, agad namang sumabak sa ensayo sina table tennis bet Jann Mari Nayre, archer Nicole Marie Tagle, golfer Carl Juno Corpus at fencer Lawrence Everett Tan.

Kasama na nila sina swimmer Nicole Justine Marie Oliva at kiteboarder Christian Tio na galing naman mula Estados Unidos at dumiretso na sa Argentina.


Padating na rin sa araw na ito si golfer Yuka Saso na siyang flag-bearer ng Team Pilipinas sa opening ceremony ng Youth Olympic Games para sa mga atletang may edad 18 anyos at pababa.

Target ng koponan na malagpasan ang one gold medal haul ng Pilipinas 2014 Nanjing YOG na naiuwi ni Gab Moreno mula sa mixed team archery competitions.

Uumpisahan ni Nayre ang kampanya ng Pilipinas sa pagsabak nito sa ping-pong competitions bukas, October 7.

Facebook Comments