Nakatakdang laro ng PBA bukas, pansamantalang sinuspinde

Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Basketball Association (PBA) ang gaganaping dalawang laro bukas (July 21) dahil sa isyu sa health at safety protocols ng ilang manlalaro.

Sa inilabas na pahayag ng PBA, ito ay ang laban sa pagitan ng Terrafirma Dyip at Alaska Aces maging ang TNT Tropang Giga laban sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Nabatid na apat kasi sa mga manlalaro mula sa TNT Tropang Giga ang kinakailangang magsagawa ulit ng COVID-19 test alinsunod sa league protocol.


Samantala, kasalukuyang isolated ang lahat ng miyembro ng Terrafima Dyip at sasailalim ulit sa COVID-19 test ang lahat ng manlalaro matapos makatapat ang TNT nitong Hulyo 17.

Facebook Comments