Nakatakdang pasimulan ni Manila Mayor Isko Moreno ang housing program sa Health Centers para sa mga empleyado ng city hospitals at MHD

74

Kaakibat ito ng Super Health Centers na itatayo ni Mayor Moreno sa ilang lugar sa Maynila na layong mabawasan ang pagsisiksikan ng mga pasyente sa mga pampublikong ospital.

Sa itatayong Super Health Centers, magkakaroon dito ng kwarto ang health workers ng lungsod para maging komportable sila.


Ang apat na malalaking health centers ay itatayo sa Pedro Gil, Fabella, Aurora Health Center sa District I, at isang Public Health Laboratory.

Sa ang bawat Health Center ay ipu-pwesto sa ground floor ng gusali, at sa second at third floors ay maglalagay ng parking, habang ang ika-apat na palapag ay ang vertical housing para sa city health employees.

Pero kapag retired na, babakantehin naman nila ang mga kwarto para bigyang daan ang mga nagseserbisyo pa.

Facebook Comments