NAKATULOG | Lasing na driver, naaksidente matapos makatulog habang nagmamaneho

25

Manila, Philippines – Sumampa ang isang kotse sa paanan ng Tandang Sora fly over alas-3 pasado ng madaling araw.

Bumangga kasi ito sa pinakadulo ng tulay at sa bilis na pagpapatakbo ,10 metro ang layo ng sasakyan mula kung saan ito unang bumangga.

Natanggal ang bamper ng kotse habang nagkalat naman ang tumagas na gasolina sa kalsada.

Ayon sa initial na imbistigayon nakatulog ang driver ng Honda City na may plakang ZNM559 kaya nabulaga nalang na mayron na pala siyang mababangga.

Aminado din ang driver na nakainom siya habang nag mamaneho.

Umaabot ng halos isang oras bago naialis ang naaksidenteng kotse.

Facebook Comments