NAKAUWI NA │Naging pambato ng Pilipinas sa Ms. Universe na si Rachel Peters, balik bansa na

Manila, Philippines – Balik Pilipinas na ang naging pambato ng Pilipinasa katatapos na Miss Universe 2017 na si Rachel Peters.

Sakay ng Philippine Airlines flight PR103 dumating si Peters kaninang alas sais- sais ng umaga sa Ninoy Aquino Intnl Airport terminal 1

Walang kasama si Peters nang dumating sa bansa at sinalubong sya ng kanyang mga mahal sa buhay at organizers ng Bb. Pilipinas.


Galing si Peters ng Los Angels California matapos ang halos isang linggong pahinga mula sa Ms. Universe competition na ginanap noon lamang Nov 26.

Plano nito na ipagdiwang ang Pasko kasama ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay

Bagamat hindi nasungkit ni Rachel Peters ang korona sa Ms Universe pasok naman ito sa top 10

Facebook Comments