NAKAUWI NA | Sister Patricia Fox – nakaalis na ng bansa

91

Manila, Philippines – Nakaalis na ng bansa si Sister Patricia Fox pasado alas nuebe kagabi mula sa NAIA terminal 2.

Ito’y matapos na ma-expire kahapon ang temporary visa na ibinigay sa kanya ng Bureau of Immigration.

Matatandaang ibinasura ng Bureau of Immigration ang hirit na visa extension ng autralian missionery kaya kinailangan na niyang umalis ng bansa.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalayas kay Sister Fox dahil sa Umano ay pakikiisa nito sa mga isyung politikal sa bansa.

Dalawampu’t pitong taon ding nanatili sa Pilipinas si Sister Fox.

Facebook Comments