NAKAW NA YAMAN | Pagbuwag sa PCGG, pinangangambahang mauuwi sa katiwalian at pagbabago sa kasaysayan

47

Manila, Philippines – Para kay Senator Bam Aquino, sa halip na buwagin ay dapat pang palakasin ng pamahalaan ang Presidential Commission on Good Government o PCGG.

Ayon kay Aquino, ito ay kung seryoso at determinado ang Administrasyong Duterte sa paglaban sa katiwalian.

Pahayag ito ni Aquino, sa harap ng napipintong pagbuwag sa PCGG.

Paliwanag ni Aquino, mahalagang mapanatili ang PCGG para maibalik sa taumbayan ang pondo ng bayan na umano ay nasa pamilya Marcos pa.

Hinala pa ni Senator Aquino, ang nakatakdang pagbuwag sa PCGG, ay bahagi ng planong baguhin ang kasaysayan ukol sa nakaw na yaman ng mga Marcos.

Facebook Comments