NAKIKIRAMAY | Terror attack sa France, kinondena ng DFA

74

Manila, Philippines – Nagpaabot na ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa France matapos ang nangyaring pamamaril na ikinamatay ng tatlong tao sa bayan ng Carcassonne.

Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano – ipinapaabot ng Pilipinas ang panalangin habang patuloy ang pagluluksa ng France sa mga nasayang na buhay sa terror attack.

Tiniyak naman ng kalihim na walang Pilipinong nadamay sa insidente.

Mariing kinokondena ng Pilipinas ang pag-atake.

Facebook Comments