NAKIPAGLIBING | PRRD, dumalaw sa libing ng ama ng kanyang partner

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa libing ng ama ng kanyang partner na si Honeylet Avanceña sa Davao Memorial Park.

Binawian ng buhay nitong nakaraang linggo ang tatay ni Honeylet na si Vicente Avanceña sa edad na 71 dahil sa katandaan.

Dito ay ipinahayag ng Pangulo ang tunay niyang pagmamahal kay Honeylet.


Si Pangulong Duterte at Honeylet ay magkasama at magkatuwang na sa buhay sa loob ng higit 20 taon.

Facebook Comments